RESULTA NG PAGBISITA NI CHINESE PRESIDENT XI JINPING SA RUSSIA AT GERMANY, AT PAGDALO SA G20 HAMBURG SUMMIT, IBINIDA NI FOREIGN MINISTER WANG YI

Mula noong ika-3 hanggang ika-8 ng Hulyo, 2017 ay bumisita si Chinese President Xi Jinping sa Russia at Germany, at dumalo rin siya sa G20 Summit sa Hamburg, Germany.
Kaugnay nito, ibinida ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang mga naging bunga ng lakad ni Pangulong Xi.

Sinabi ni Wang na tagumpay ang biyaheng ito sa ibayong pagpapalakas ng estratehikong koordinasyon at pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa mas mataas na antas. Aniya pa, ibayo pa nitong pasusulungin ang relasyong Sino-Aleman, pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at Europa, pagsusulong ng pagtutulungan ng G20, at pagbibigay ng bagong sigla sa pangangasiwang pangkabuhayan ng mundo.
Ani Wang, sa pananatili ng G20 Hamburg Summit, dumalo si Pangulong Xi sa mga talakayan hinggil sa kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, kalakalan, pinansyal, enerhiya, pagbabago ng klima, isyu ng Aprika, kalusugan, paglaban sa terorismo at iba pa. Inilahad ni Xi ang ideya at paninindigan ng Tsina sa mga may-kinalamang isyu, gayundin ang pagsusulong ng kooperasyong pandaigdig, dagdag pa ni Wang. Sinabi pa niyang binigyang-diin din ng Chinese President na nagkakaisa at nagkokomplemento ang ideya ng pagbubukas, pagtutulungan at win-win situation na itinataguyod ng Belt and Road Initiative, at diwa ng partnership at pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig na itinataguyod naman ng G20. Ito aniya’y para sa magkasamang pagsusulong ng kabuhayang pandaigdig.
Ani Wang, nakapaloob sa kumunike na inilabas ng Hamburg Summit ang mga mungkahi at ideya na iniharap ni Pangulong Xi. Aniya, patuloy nitong ipinapatupad ang komong palagay na narating sa Hangzhou Summit ng G20.
Sinabi rin ni Wang, na mula noong ika-3 hanggang ika-8 ng Hulyo, dumalo si Pangulong Xi sa 40 bilateral at multilateral na aktibidad at nakipag-usap siya sa mga lider ng ibat-ibang bansa’t organisasyong pandaigdig, na kinabibilangan ng Pangulo ng Amerika, Timog Korea, Pransya, Punong Minsitro ng Britanya at Singapore, at iba pa.

Narating aniya ng mga lider ang mga bagong pagkakasundo sa pagpapatibay ng pagtitiwalaang pampulitika, at pagpapalalim ng bilateral at multilateral na kooperasyon.

Ipinahayag ni Wang na bilang bagong pahina sa kasaysayang pandiplomasiya ng Tsina na may katangiang Tsino, ang biyaheng ito ni Pangulong Xi ay nagpapalalim ng komprehensibong patakarang panlabas ng Tsina at nagpapataas ng aktibo at konstruktibong imahe ng bansa sa daigdig. (CRI/DZME)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s