CHINESE PRESIDENT XI JINPING, NAKIPAGPULONG SA ILANG FOREIGN LEADERS

Sa sidelines ng G20 Summit sa Hamburg, Germany, magkakahiwalay na pinulong noong Sabado, ika-8 ng Hulyo 2017, ni Chinese President Xi Jinping ng ilang foreign leaders.
Sa kanyang pakikipagpulong kay US President Donald Trump, binigyang-diin ni Xi, na dapat igalang ng dalawang bansa ang mga nuclear interest at malaking pagkabahala ng isa’t isa, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba at sensitibong isyu, at magkasamang itaguyod ang kanilang relasyong pangkabuhayan. Inulit din niya ang pagtutol sa pagdedeploy ng Amerika ng Terminal High Altitude Area Defense system sa South Korea.

Tiniyak naman ni Trump, ang kahandaan ng Amerika, kasama ng Tsina, na palawakin ang dayalogo at kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at panatilihin ang pag-uugnayan sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, sinabi ni Xi, na ang mga narating na prinsipyo ng China at Japan sa mga isyu ng kasaysayan sa Taiwan, ay mahalaga para sa pundasyong pulitikal sa relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang igigiit ng Japan ang naturang mga prinsipyo, at ipakikita sa pamamagitan ng mga aktuwal na patakaran at aksyon, ang kahandaan nitong pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Abe, na hindi nagbabago ang posisyon ng Japan sa isyu ng Taiwan, na ipinaliwanag sa magkasanib na pahayag nila ng China noong 1972. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Japan, kasama ng China, na talakayin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative.

Nagkita naman, sa kauna-unahang pagkakataon, sina Xi at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa pagsusulong ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa. (CRI/DZME)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s