CHINA AT CAMBODIA, LUMAGDA SA 10 KASUNDUAN

Phnom Penh — Ginanap kahapon, Hulyo 27, ang seremonya ng paglagda sa kasunduan ng sampung (10) proyektong pangkooperasyon ng probinsya ng Hainan sa Tsina at Cambodia.
Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit 250 milyong dolyar.
Ipinahayag ni Lv Yong, Pinuno ng Departamento ng Komersyo ng Hainan, na mahigpit ang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan, at pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Cambodia at Hainan.
Aniya, ang paglagda sa nasabing kasunduan ay makakapagpatingkad ng positibo at pangmalayuang katuturan para sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa mga kaukulang larangan. (CRI/DZME)

Advertisements

IMPORTASYON NG FUJIAN MULA SA ASEAN, LUMAKI

Kinumpirma ng adwana sa lungsod ng Xiamen sa China na simula noong Agosto ng nagdaang taon ay nananatiling malaki ang pag-aangkat ng probinsya ng Fujian mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa iba’t-ibang bansa sa ASEAN, ang Pilipinas ang pinakamalaking trade partner ng Fujian.
Sa datos ng adwana, sa unang anim na buwan ng 2017 ay pumalo sa mahigit 23.9 bilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Fujian sa Pilipinas.
Mas malaki ito ng 10.9% kumpara sa kaparehong panahon noong nananakaraang taon.
Ang Indonesia naman ang nagsisilbing ikalawa sa pinakamalaking trade partner ng Fujian sa mga bansang kasapi ng ASEAN. (CRI/DZME)

SINO-ASEAN, ISINUSULONG ANG PAGBABAWAS NG KAHIRAPAN

Siem Reap, Cambodia — Idinaos ang Ika-11 China-ASEAN Forum on Social Development and Poverty Reduction mula ika-25 hanggang ika-27 ng Hulyo.
Mahigit 120 personalidad na kinabibilangan ng mga opisyal, eksperto at iskolar mula sa China at 10 bansang kasapi ng Association of Sotheast Asian Nations (ASEAN), ang dumalo sa pagtitipon.
Kasama rin sa dumalo ang mga kinatawan ng mga kumpanyang pinopondohan ng China at mga kinatawan ng international organizations.
Tinalakay sa forum ang mga paksa gaya ng inobasyon at matagumpay na pagpapatupad ng China at mga bansa sa ASEAN sa ideya at polisiya sa pagbabawas ng kahirapan, pagsusulong ng kooperasyong Sino-ASEAN sa pagbabawas ng kahirapan, at pagsasakatuparan ng China at mga bansa sa ASEAN sa 2030 Sustainable Development Goals.
Sa mga nakalipas na taon ay lumalim pa ang kooperasyong Sino-ASEAN sa pagbabawas ng kahirapan. Saklaw ng larangang pangkooperasyon ng dalawang panig ang maraming aspeto. (CRI/DZME)

BAGONG “ERA” NG RELASYONG ASEAN-CHINA, ISINUSULONG NG CHINESE TOP DIPLOMAT

Isinusulong ng Chinese top diplomat ang bagong era ng pagkakaisa sa pagitan ng China at ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para palakasin pa ang China- ASEAN strategic partnership.
Sinabi ni Foreign Ministry spokesman Lu Kang na ginawa ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang panukala noong Miyerkules sa isang tanghalian na isinagawa para sa mga ambassadors to China mula sa 10 ASEAN countries.
Aniya, inilatag ni Foreign Minister Wang Yi ang three-point proposal upang gumanda pa ang relasyon ng China at ASEAN.
Binigyan diin din ni Wang na kailangan ng mga bansa sa East Asia na samantalahin ang mga oportunidad para sa mas malawak na kooperasyon patungo sa progresibo at matatag na Asian region.
Hinimok din ni Wang ang mga ASEAN ambassadors na panatilihin ang positibong pananaw sa isyu ng South China Sea at iwaksi ang alitan.
Noong Mayo ay nakumpleto ng senior officials ng ASEAN-China ang draft framework para sa Code of Conduct sa South China Sea.
Isusumite ang nasabing draft sa susunod na buwan sa China-ASEAN Foreign Ministers’ Conference sa Pilipinas.
Ang Pilipinas na chairman ng ASEAN ngayong taon, ay gumanda ang relasyon sa China matapos isantabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ruling ng arbitral tribunal sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Pinulong ni Wang ang 10 ASEAN ambassadors at mga kinatawan isang araw matapos itong bumalik mula sa produktibong pagbisita sa Thailand at Pilipinas. (DZME News Team)

CHINA, NANGAKO NG MAS MALAKING TULONG SA MARAWI

Tiniyak ng China ang karagdagang ayuda para sa muling pagbangon ng Marawi City na winasak ng digmaan.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inanunsyo ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang karagdagang assistance na kinabibilangan ng emergency supplies na gagamitin ng mga evacuees mula sa Marawi at sa muling pagbangon ng lungsod.
Si Minister Wang ay nagsagawa ng State Visit sa Maynila noong Hulyo 24 hanggang 25, kasunod ng imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayateno.
Ginarantiyahan din ni Minister Wang ang kahandaan ng China na ipagpatuloy ang seryosong commitment para mapagtibay ang pagtitiwala sa pagitan ng dalawang bansa at palawakin ang kooperasyon at suporta sa Pilipinas.
Noong nakaraang buwan ay nag-donate ang Chinese government ng P15 million para sa relief and rehabilitation sa Marawi City.
Umabot na sa ikatlong buwan ang digmaan sa lungsod matapos isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa martial law ang Mindanao noong Mayo 23.
Sa bilateral meeting noong Hulyo 25, tinalakay nina Cayetano at Wang ang magandang improvement sa relasyon ng Pilipinas at China sa ilalim ng liderato nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping. (DZME News Team)

SINO-ASEAN COOPERATION SA AGRIKULTURA, PALALAKASIN

Isiniwalat ni Wang Lei, Secretary General ng China-ASEAN Expo (CAExpo), na sa gaganaping Ika-14 CAExpo mula Setyembre 12 hanggang 15, palalawakin ang saklaw ng pabilyong agrikultural upang komprehensibong ibida ang natamong bunga ng kooperasyong Sino-ASEAN sa larangang agrikultura at ipagkaloob ang plataporma sa malalimang pag-unlad ng kooperasyong ito.
Sa mga nakalipas na taon ay walang tigil ang kooperasyong Sino-ASEAN sa agrikultura at unti-unting lumalakas ang kalakalan ng dalawang bansa sa mga produkto, at madalas ang kanilang pagpapalitan sa teknolohiyang agrikultural. Lumitaw na ang “virtuous circle” sa nasabing kooperasyon ng dalawang panig, dagdag pa ni Wang.
Sinabi naman ni Michael Kelly Pe Tiulim, Presidente ng Communication Commission ng Zamboanga, na sa kasalukuyan, mainam ang kapaligiran ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina.

Aniya, sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, tiyak na ibayo pang susulong ang kalakalan ng mga produktong agrikultural upang pataasin ang kita ng mga magsasakang Filipino at mabawasan ang mahihirap sa bansa. (CRI/DZME)