CHINESE PRESIDENT XI JINPING, NASA HONG KONG

Dumating ngayong araw, Hunyo 29, sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) si Chinese President Xi Jinping na siya ring Secretary General ng Central Committee of the Communist Party of China (CPC), at Chairman ng Military Commission of the CPC Central Committee, para dumalo sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng pagbabalik bansa ng Hong Kong, inagurasyon ng 5th HKSAR government, at para maglibot sa Hong Kong.
Sinabi ni President Xi na tatlo ang kanyang layunin sa nasabing biyahe.
Una aniya ay ang upang ipaabot ang kanyang pagbati sa napakalaking tagumpay na natamo ng HKSAR sa nakalipas na 20 taon mula nang ito ay maitatag.
Ikalawa ay upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa pamahalaan ng HKSAR habang ang ikatlo ay pagplanuhan ang hinaharap upang matiyak ang patuloy na pag-unlad ng HKSAR. (CRI/DZME)

CHINESE PREMIER, HUMARAP SA MGA NEGOSYANTE MULA SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO

Sa Dalian, Tsina—Nakipag-usap kahapon, Hunyo 28 si Chinese Premier Li Keqiang sa mga kinatawan ng pandaigdigang sektor ng industriya at komersyo na dumalo sa 2017 Summer Davos Forum.

Kaugnay sa isyu ng paglahok ng foreign trade enterprises sa national economic development ng China, sinabi ni Li na tatanggapin nila ang maiaambag ng mga dayuhan sa proseso ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas.

Sinabi pa ni Li na luluwagan pa ng China ang limitasyon sa pagpasok ng foreign funds sa mga industriya, at patuloy na pabibilisin ang proseso ng pagnenegosyo.

Ipinahayag ni Li na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at dayuhan para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon para sa kanila.

Tiniyak din ng opisyal na ipagpapatuloy ng China ang kooperasyon sa mga dayuhan upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad.

Dumalo sa naturang dayalogo ang mga managers ng mahigit 200 malalaking kumpanya sa mundo.

Sinabi ng mga panauhin na dapat samantalahin ng international companies ang pagkakataon na umunlad at pagtibayin ang kanilang kooperasyon sa China. (CRI/DZME)

STATE DIRECTOR NG CHINA AT DFA SEC. CAYETANO, NAGPULONG

Nagkita kahapon, Hunyo 28 sa Beijing sina Yang Jiechi, State Director ng China at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Yang na sa susunod na yugto ay paigtingin pa ng dalawang bansa ang political trust at developmental strategy, gayundin ang komprehensibong malalim na kooperasyon sa iba’t ibang larangan para sa matibay, sustainable at magandang relasyon ng dalawang bansa.

Inihayag din ni Yang na suportado ng China ang mga hakbangin ng Pilipinas bilang kasalukuyang Chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa panig naman ni Cayetano, sinabi nito na hinahangaan ng Pilipinas ang positibong papel ng China para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon.

Idinagdag pa ng kalihim na handa ang Pilipinas na isulong, kasama ang China, ang bilateral relations at regional cooperation sa pamamagitan ng konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative. (CRI/DZME)

Mahigit 137K Filipino natulungan sa pagpapaospital ng PCSO

Nagtala ang Philippine Charity Sweepstakes Office ng 137,768 na beneficiaries sa buong bansa mula Enero hanggang Hunyo, sa ilalim ng programang medikal ng ahensya, gumastos ito ng P2, 842,144,673.84, at inaasahan pang tataas sa darating pang mgabuwan, ayon kay General Manager Alexander Balutan nitong Miyerkules.

“Ang pagtaas ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Individual Medical Assistance Program (IMAP) ay maaaring may kaugnayan sa unti unting pag-unawa ng mga tao sa papel ng Small Town Lottery (STL) sa pagpapalawak ng tulong sa ating mgakababayan,” sabi ni Balutan.

Batay sa rekord ng PCSO mula Enero hanggang Mayo, ang PCSO ay nakabuo ng P5.018 bilyon mula sa pinalawakn a STL, may pagtaasn a 173.38-porsiyento mula sa P2.066 bilyon noong nakaraang taon, sa kabuuang kitan a P20 bilyon mula sa lahat ng produktong laro ng ahensya.

Ayon sa tala ng PCSO ang P20 bilyon kabuuang kita ngayong taon ay may pagtaas na 33.21 porsiyento mula sa P15 bilyong benta na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Matatandaan na noong 2016, nakatulong ang ahensya sa mahigit 300,000 indigent patients sa buong bansa na humingi ng tulong medical sa PCSO, may pagtaas na 27.7% mula sa bilang ng mga benepisyaryo sa 2015, na umabot sa 249,751.

“Ang bilang ng mga Pilipino na tumatanggap ng tulong medical mula sa PCSO ay lumalaki araw-araw, at inaasahan naming na mas marami pang bilang ng mga pasyente ang hihingi ng tulong mula sa ahensya,” sabi ni Balutan.

Ayon kay Balutan patuloy na palalawakin ng PCSO ang operasyon ng STL upang madagdagan pa ang kita mula sa 92 AAC sa buong bansa, na may 36 na pagtaas din mula sa unang 56 na inilunsad noong Enero.

Bukod sa tulongsa IMAP, gamot at mga medical na suply, ang ahensiya ay mayroon ding mga medical at dental mission na may 1,768 na mga benepisyaryo mula Abril hanggang Hunyo 15 ng kasalukuyang taon.

Batay pa din sadatos ng PCSO, mayroon din na 2,868 na mga outpatient ang nakarehistro bilang mga benepisyaryo mula pa rin sa buwan ng Abril hanggangHunyo15..

“Inaasahan naming na makakatulong pa kami sa higit pang mga Pilipino na nangangailangan ng tulong sa taong ito. Ginagawa namin ang anumang bagay na possible upang madagdagan ang aming mga kita sa pamamagitan ng pagtataguyod sa aming iba’t ibang responsableng mga produktong laro sa publiko, sapagkat 30 porsiyento ng mga benta nito ay napupunta sa mga serbisyong kawanggawa ng ahensya. ” dagdag ni Balutan.NICE C.

PELIKULANG FILIPINO, NASUNGKIT ANG BEST FEATURE FILM AWARD SA SHANGHAI INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

Napanalunan ng pelikulang “Pauwi Na” ang Best Feature Film sa Golden Goblet Awards, sa Ika-20 Shanghai International Film Festival na isinara, kahapon, Hunyo 25, sa Shanghai, China.
Ang naturang parangal ay ang pinakamalaking gantimpala sa festival na ito.
Sa awarding ceremony, kagabi, ginawaran ng gantimpala ang direktor ng naturang pelikula na si Paolo Villaluna.
Nauna rito, itinanghal noong isang linggo ang pelikulang ito sa mga manonood na Tsino.

Samantala, nagwagi naman ang pelikula ng Malaysia na “Shuttle Life” ng Best Film, Best Cinematographer, at Best Actor sa Asian New Talent Award. (CRI/DZME)

KOOPERASYONG PANG-EDUKASYON, PALALAKASIN NG CHINA AT ASEAN

Bumisita noong Miyerkules, Hunyo 21, ang delegasyon ng matataas na education officials ng mga bansang kinabibilangan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa ASEAN-China Centre (ACC) na nakabase sa Beijing.

Inihayag ni ACC Secretary General Yang Xiuping, na mabunga ang kooperasyong ito at mayroong malawak na target.

Inihalimbawa ni Yang na noong isang taon ay lumampas sa 200 libo ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng Tsino sa mga bansang ASEAN, at mga estudyante ng mga bansang ASEAN sa Tsina.

Idinagdag pa nito na isinusulong din ng ACC ang ilang malalaking programa ng kooperasyong pang-edukasyon ng dalawang panig.

Sinabi naman ni Vongthep Arthakaivalvatee, Deputy Secretary General ng ASEAN, at pinuno ng naturang delegasyon, na sasamantalahin nila ang pagkakataon para makipag-usap sa mga may kinalamang departamento ng pamahalaang Tsino, hinggil sa paggawa ng action plan sa kooperasyong pang-edukasyon ng ASEAN at Tsina. (CRI/DZME)

TALAKAYAN HINGGIL SA INDUSTRIAL COOPERATION NG CHINA AT ASEAN, IDINAOS SA BEIJING

Beijing, China— Pinangunahan ni Xu Ningning, Executive President ng China-ASEAN Business Council noong Huwebes, Hunyo 22 ang talakayan hinggil sa industrial cooperation ng China at ASEAN.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng mga embahada ng mga bansang ASEAN sa China na kinabibilangan ni Rhenita B. Rodriguez, Minister at Consul ng Emabahada ng Pilipinas sa Tsina, mga opisyal ng mga samahan na may kinalaman sa industriya ng Tsina, at mga mamamahayag na Tsino at dayuhan.

Ipinaliwanag sa pulong ang “Joint Statement between ASEAN and China on Production Capacity Cooperation,” na pinagtibay sa China-ASEAN Summit noong Setyembre ng nakaraang taon.

Inanalisa rin ang mga may priyoridad na larangan ng kooperasyong industriyal ng Tsina at ASEAN, at tinalakay ang hinggil sa bagong pag-unlad ng ganitong kooperasyon sa proseso ng konstruksyon ng Maritime Silk Road.

Naniniwala ang mga kalahok na sa proseso ng pagpapatupad ng kooperasyong industriyal ay napakahalaga ng pagpapalakas ng mekanismo ng kooperasyon sa komprehensibong industriya ng Tsina at ASEAN.

Ang pagtatatag ng mekanismong pangkooperasyon ay makatutulong sa pag-uugnayan ng magkabilang panig sa pagpaplano at polisiya ng industriya, makapagsusulong sa pagsasaayos sa istruktura at pag-a-upgrade ng industriya, makakapagpabuti ng istruktura ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at iba’t ibang bansa sa ASEAN, at makakatulong din sa paglahok ng mga bahay-kalakal sa mga pangunahing larangan sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative, lalung lalo na sa konstruksyon ng Maritime Silk Road. (CRI/DZME)