SENIOR OFFICIALS MEETING NG DOC, UMARANGKADA NA SA GUIYANG

Binuksan na ang ika-14 na Senior Officials’ Meeting para sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) sa lungsod ng Guiyang, sa lalawigang Guizhou.

Kabilang sa dumadalo sa pulong na ginaganap sa New World HOtel sina Liu Zhenmin, Vice Foreign Ministry ng China, at Chee Wee Kiong, Permanent Secretary ng Foreign Ministry ng Singapore.

Sa kanyang pambungad na pananalita, malugod na tinanggap ni Liu ang mga opisyal ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at sinabing ang Guiyang ang akmang lugar sa pagpupulong dahil dito rin ginanap ang Education Cooperation Week ng China at ASEAN.

Inihayag ni Chee na patuloy na nakakamit ang positibong resulta mula nang ganapin ang ika-13 pulong sa DOC sa Manchuria noong nakaraang taon.

Umaasa si Chee na magiging sinsero ang mga talakayan upang makamit ang positibong pag-usad sa paglikha ng balangkas.

Nagpasalamat din ito sa sipag ng mga opisyal na bahagi ng mga komite at umaasang magpapatuloy ang kanilang progreso na natamo mula sa Bali sa Indonesia, Siem Reap sa Cambodia at ngayong  ay sa Guiyang.

Kinatawan ng Pilipinas sa pulong si Assistant Secretary Hellen de la Vega, Acting Senior Official at Director General for ASEAN – Philippines mula sa Department of Foreign Affairs. (CRI/DZME News Team)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s