KITA NG PCSO ANGAT NG P3.2- BILLION SA 1st QUARTER

UMABOT sa P3,236,781,367 ang itinaas ng kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa unang quarter ng taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2016.

Sa small town lottery (STL) na itinataguyod ng PCSO, mahigit 100 percent ang itinaas ng kita nito mula Enero hanggang Marso ngayong 2017.

Sa datos na ibinigay ni PCSO Chairman George Corpuz sa isinagawang Rollover STL sa Quezon City kahapon, nakamit ang kita sa STL ng charity agency na P2,877,308,290 na mas mataas ng 133.67 percent o P1,645,590,187 sa P1,231,358,103 na kita noong Enero hanggang Marso, 2016.

Dagdag naman ni PCSO General Manager Alexander Balutan na umabot sa P845,928,637.26 ang charity fund na mula sa STL earnings.

Sa Lotto naman, kumita ang PCSO sa nasabing panahon ng P8,320,210,140 na mas mataas ng 19.33 percent o P1,347,529,820 sa dating P6,972,680,320.

Habang sa Lotto Express o KENO ay may kita na P1,260,793,360 na mas mataas ng 23.91 percent oP243,301,360.

Sa kabuuan may charity fund ang PCSO na P3,662,743,666.26.

Nanawagan naman si Balutan na patuloy na tangkilin ang number games ng PCSO upang marami pang matulungan ang pamahalaan lalo sa hospitalization.

Sa ngayon ay mayroon lamang 56 authorized agents corporation (AACs) ng STL ang PCSO at inaasahang magiging 91 ito bago matapos ang taon.ECC

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s