SANDIGANBAYAN…INABSWELTO SI DATING SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE SA MGA KASO NA MAY KAUGNAYAN SA BEHEST LOANS

Inabswelto ng Sandiganbayan Second Division si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa mga kaso na may kaugnayan sa behest loans na isinampa ng business tycoon at dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco.

Ang kaso ay inihain mahigit 10 taon na ang nakalilipas.

Sa resolusyon na sinulat ni Sandiganbayan Justice Michael Musngi, sinang-ayunan din ng Division Chairman na si Justice Oscar Herrera at Justice Zaldy Trespeses, ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ng prosecution noong 2005 dahil hindi umano nasangkot si Enrile sa mga kaso sa behest loans sa mga kompaniya ni Danding.

Ilan sa ibig sabihin ng behest loans ay pautang na hindi sapat ang collateral, maari ring pag-aari ng cronies ang inutang o ang borrower ay hawak ng ibang tao.

Ang kaso ay nag-ugat mula sa mga loan at credit privileges na iginawad ng  Development Bank of the Philippines sa northern cement corporation, ang pagkuha sa alpha integrated textile mills para paboran ang southern textile mills, at pautang at advances mula sa Philippine Tourism Authority na paborable sa Holiday Villages at Coral Island Resort.

Sa record, may kinakaharap ding kaso ang 93-anyos na si Enrile na plunder at graft sa pork barrel fund pero pinayagan siyang magpiyansa ng Supreme Court noong 2015. (Eunice Calma).

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s