HEPE NG MPD STATION 1…SINIBAK DAHIL SA NADISKUBRENG HIDDEN CELL

Sinibak sa kanyang pwesto ang Station Commander ng Manila Police District o MPD Station 1 kasunod ng pagkakadiskubre sa isang tagong selda sa himpilan nito.

Ayon kina NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde at MPD Chief, Senior Supt. Joel Coronel, inilabas na ang relief order laban kay supt. Robert domingo, ang Commander ng Raxabago Station.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Domingo sa secret cell at iginiit na ito ay holding area lamang sa mga naarestong drug suspect na hindi pa naisasailalim sa proseso.

Itinanggi rin ni Domingo ang alegasyon ng torture sa ilang detainee at ang paghingi nila ng pera kapalit ng kalayaan ng mga ito.   ( Dang Garcia)

Advertisements

JUSTICE SECRETAY AGUIRRE…ITINANGGI ANG DEATH THREATS KAY ATONG ANG

Itinanggi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga alegasyon ni Charlie Atong ang hinggil sa pagbabanta sa buhay nito.

 

Tinawag ni Aguirre na complete fabrications o gawa-gawa lamang ang akusasyon ni Ang.

 

Tiniyak din ng kalihim na handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon, maging ito man ay legislative, criminal o administrative.

 

Binigyang-diin ni Aguirre na hindi siya natatakot dahil wala siyang dapat itago at malinis ang kanyang konsensya. (Dang Garcia)

 

LIMAMPUNG PORSYENTO NG MGA PINOY…IKINUKUNSIDERA ANG KANILANG MGA SARILI NA MAHIRAP

Limampung porsyento ng mga pinoy ang naniniwalang sila ay mahirap.

Ito ang lumitaw sa 1st quarter survey ng Social Weather Station na ginawa noong Marso a-bente singko hanggang a-bente otso sa isanlibo dalawandaang respondents.

Ang limampung porsyento ay kumakatawan sa 11.5 million families na ikinukunsidera ang kanilang mga sarili na mahirap.

Ang bilang ay mataas kumpara sa 44 percent o 10 million families noong December  2016.  ( Dang Garcia).

TATLUNDAANG UNDOCUMENTED PINOY SA JEDDAH NAKAPILA SA AMNESTY PROGRAM NG SAUDI ARABIA

Nasa tatlundaang undocumented filipino workers ang nagtungo sa Philippine Consulate General sa Jeddah para mag-avail ng Amnesty Program ng Saudi Government.

Dumagsa ang mga pinoy expats sa Al Shumaisi deportation center para sa pag-proseso ng kanilang exit visas.

Ilan sa mga ito ay runaway workers o mga idineklarang “huroob” na wala nang records sa Saudi Immigration Office  at  mga expired na ang “Iqamas” o  residence permits.

Pangunahing dahilan ng pagtakas ng mga pinoy sa kanilang amo ay maltreatment, non-payment of salaries at sexual molestation.

Ayon sa Konsulada, mahigit 4,000 undocumented OFWS ang nag-apply ng exit visa simula nang mag-umpisa ang 90-day amnesty program noong March 29.  ( Lea Rivera).

SANDIGANBAYAN MULI NA NAMANG IPINAGPALIBAN ANG PAGBASA NG SAKDAL KAY DATING COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS…ARRAIGNMENT ITINAKDA SA JUNE 22

Muli na namang ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment kay dating Commission on Elections Chief Benjamin Abalos sa kasong graft kaugany sa umano’y anomalya sa pagbili ng mga sasakyan noong 2003.

Itinakda ang pagbasa ng sakdal sa June 22 kasunod ng paghahain ng motion to suspend arraignment noong April 21.

Noong February 9 sana ang arraignment kay Abalos subalit kinansela ito nang maghain ng motion for reconsideration sa resolusyon ng korte sa kanyang kaso.

Si Abalos ay kinasuhan ng graft dahil sa pag apruba sa pagbili sa dalawang units ng toyota revo vx200 na nagkakahalaga ng 1.7 million pesos nang hindi dumaan sa public bidding.  (Jane Manalastas).

OMBUDSMAN NAGPAALALA SA LAHAT NG PUBLIC OFFICIALS AT MGA GOVT. EMPLOYEES NA MAGFILE NA NG KANILANG SALN BAGO ANG DEADLINE SA APRIL 30

Pinaalalahanan ng Ombudsman ang lahat ng public officials at employees na ihain na ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN para sa taong 2016 bago ang April 30 deadline.

Binigyang-diin ng ombudsman na ang pagsusumite ng SALN ay “constitutional and statutory obligation” ng lahat ng public servants.

Alinsunod ito sa section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na nagsasaad na ang lahat ng public servants ay obligadong maghain ng saln sa loob ng tatlumpung araw makaraang mag-assume ng posisyo o bago ang April 30 ng susunod na taon at sa loob din ng tatlumpung araw matapos ang umalis sa serbisyo.

Exempted naman sa paghahain ng SALN requirement ang mga nagsisilbi sa honorary capacity, laborers at casual o temporary workers.

Kung mabigo ang empleyado na makatugon sa SALN requirement, maaari siyang masuspinde sa loob ng isa hanggang animna buwan para sa unang offense at madismis sa serbisyo sa ikalawang offense. (Dang Garcia).

PANGULONG DUTERTE AT SULTAN BOLKIAH NG BRUNEI NAGKAHARAP NA SA BILATERAL MEETING

Nagkaharap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa Malakanyang para sa kanilang bilateral meeting.

Matapos ang wreth laying sa Luneta, dumating si Bolkiah sa Malakanyang alas-dos ng hapon at sinalubong ni Pangulong Duterte.

Kabilang sa agenda ng pulong ang pagpapalakas ng pagpapalitan ng political at security defense; pagtutulungan para laban ang terorismo, karahasan at pamimirata; gayundin ang kampanya laban sa iligal na droga.

Si Bolkiah ang unang lider na nagsagawa ng state visit sa pilipinas sa ilalim ng Duterte Administration subalit siya ang ikalawang lider na bumisita sa pangulo kasunod ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe. (Dang Garcia).