11 PATAY SA SALPUKAN NG MULTI-CAB AT VAN SA ZAMBALES

Labing-Isa ang patay habang dalawa ang kritikal sa salpukan ng multi-cab at delivery van sa Botolan, Zambales.

Pito sa labimpitong sakay ng multicab na pag-aari ng Barangay Amungan, Iba, Zambales, ang dead on the spot habang sa ospital binawian ng buhay ang apat na iba pa.

Pauwi na galing sa isang programa sa botolan ang mga sakay ng multi-cab nang makasalubong nila sa highway sa Barangay Carael ang delivery van.

Pumutok umano ang gulong sa harapan ng van kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa multicab.

Sa lakas ng impact, sumadsad ang dalawang sasakyan ng halos sampung metro at napunta sa gilid ng kalsada.

Nahaharap ang driver ng van sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious injuries, at damage to properties.  (Lea Rivera).

Advertisements

M-R-T NAKA-LIMANG PALYA SA OPERASYON NGAYONG LINGGONG ITO.

 

Sa ikalimang araw ng linggong ito muli na namang nagka-aberya ang M-R-T 3.

Daang pasahero muli ang pwersahang pinababa sa Ortigas Station kaninang alas-diyes medya habang nauna ng nasira ang tren kaninang alas singko onse ng madaling araw sa Kamuning Station.

Magugunitang nagsimula noong lunes ang pagkasira ng tren na sinundan ng mga technical problem sa magkakasunod na araw ngayong linggong ito.  (Jaemie Quinto).

MGA MOTORISTA, PINAIIWAS SA ILANG KALSADA SA QUEZON CITY NGAYONG WEEKEND DAHIL SA REBLOCKING

Pina-alalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na iwasan ang ilang bahagi ng kalsada sa Quezon City.

Ito ay para sa gagawing road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways na sisimulan mamayang alas onse ng gabi.

Maapektuhan ang Mindanao Avenue, mula Tandang Sora Avenue hanggang Mindanao Avenue Bridge, Commonwealth Avenue mula Don Fabian Street hanggang Pacamara Street at Quirino Highway, mula Sauyo Road hanggang Bernardino Street.

Muling madadaanan ang mga apektadong kalsada, 5:00 ng umaga sa Lunes.  (Jessel Laid).

ISANG PULIS COLONEL- TIMBOG SA POT SESSION SA LAS PINAS

Isang pulis colonel ang dinampot habang nagpa-pot session sa Everlasting Homes, Talon 4 Las Pinas City.

Kinilala ang suspek na si P/Supt. Lito Dumandan Cabamongan, hepe ng Alabang Satelite Office ng PNP -Crime Laboratory Service…

Nakuha sa suspek ang sampung plastic ng sachets ng shabu, lighter at aluminum foil…

Tumanggap naman ng mura mula kay PNP Chief Director Gen. Bato dela rosa ang suspek na sinasabing una na ring inireklamo dahil sa pamimilit daw nitong manoon ng libreng sine… (Jessel Laid)

KAMPO NI DATING SEN. JINGGOY ESTRADA- HINILING SA SANDIGANBAYAN NA MAKADALO SA PAGDIRIWANG NG KAARAWAN NG KANYANG AMA

Hiniling ni dating Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang makadalo sa pagdiriwang ng ika-walumpung kaarawan ng ama nitong si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa April 19.

Sa limang pahinang mosyon, hiniling ni Jinggoy sa fifth division ng Anti-Graft Court na payagan siyang makalabas sa loob ng labindalawang oras mula ala-singko ng hapon sa April 18 hanggang April 19.

Binigyang-diin ng dating mambabatas na bihira na ngayon ang nakaaabot sa walumpung taong gulang kaya nais ng ama nilang present ang lahat ng anak nito sa pagdiriwang.

Si Jinggoy ay nahaharap sa 11 counts ng graft dahil sa pork barrel fund scam.   (Dang Garcia)

PANGULONG DUTERTE – NA MISQUOTE NA NAMAN DAW SA ISYU NG BENHAM RISE, AYON SA DFA

Nag-iba umano ang naging ibig sabihin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpayag nito na magsurvey sa Benham Rise ang China.

 

Ayon kay Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang nais ipahiwatig ng pangulo ay malayang bumisita nag mga Chinese sa bansa.

 

Nilinaw pa ni Manalo na hindi Benham Rise ang pinatutungkulan ng pangulo bagkus nasi lang nito sabihing kahit anong bansa na magpapadala ng mga barko ay welcome basta’t dadaan sa tamang proseso.

 

Iginiit pa ng kalihim na dineny na ng pilipinas ang hiling ng beijing na magsagawa ng pananaliksik sa lugar.

 

Dagdag pa ni manalo na may ilan pang request ang china para sa pagsasagawa ng pananaliksik sa bansa ngunit hindi pa nila ito sinasagot hangga’t hindi pa nakukumpleto at nasusunod ang kanliang requirements.  (Jessel Lapid).

PNP…BUBUO NA NG TASK GROUP PARA MAG-IMBESTIGA SA PAGKAMATAY NG NEGOSYANTENG SUMAILALIM SA MULTIPLE COSMETIC SURGERY

Bubuo ang Philippine National Police ng Special Team na mag-iimbestiga sa kaso ng dalawampu’t siyam na taong gulang na negosyanteng babae na namatay dahil sa Multiple Cosmetic Surgery Procedures sa Mandaluyong City.

Ayon kay Chief Supt. Romulo Sapitula, Director ng Eastern Police District o EPD,  iimbestigahan ng Special Investigation Task Force o SITG ang kaso ni Shiryl Saturnino.

Magiging kabahagi ng investigating team ang dalawang doktor mula sa PNP-Crime Laboratory, mga medical experts at si Mandaluyong Police Chief, Senior Supt. Joaquin Alva.

Ayon sa report na isinumite ni Chief Insp. Jose Villarta, head ng Mandaluyong Police Investigation Unit, si Saturnino ay namatay noong linggo sa icon clinic sa Shaw Boulevard matapos sumailalim sa breast revision, liposuction at butt surgery.   ( Jane Manalastas).