MGA GURO NG WIKANG TSINO AT PILING TALENTO NG MGA SAMAHAN NG ASEAN, SUMABAK SA WORKSHOP

Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Binuksan kahapon, Hulyo 17, 2017 ang talent workshop ng mga guro ng wikang Tsino at piling talento ng mga samahan sa ibayong dagat.

Tatagal ng 15 araw ang nasabing workshop na nilalahukan ng mahigit 30 miyembro mula sa mga bansang ASEAN, gaya ng Thailand, Laos, Vietnam at iba pa.
Sa seremonya ng pagbubukas ng workshop, sinabi ni Chen Jie, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng mga Suliraning ng Overseas at Ethnic Chinese ng Guangxi, na kasabay ng pagsulong ng konstruksyon ng Belt and Road, unti-unting pinahahalagahan ng komunidad ng daigdig ang pag-aaral ng kulturang Tsino, at nagsisilbing pangkagipitan ang pagdaragdag ng mga guro ng wikang Tsino at pagpapataas ng kanilang kakayahan.

Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na sumali sa workshop ang mga lider ng samahan ng mga overseas at ethnic Chinese. Layon nitong sanayin ang mas maraming de-kalidad ng guro ng wikang Tsino, at isulong ang pagpapalaganap ng kulturang Tsino, dagdag pa ni Chen. (CRI/DZME)

2017 CHINA-ASEAN MINING COOPERATION FORUM, GAGANAPIN SA NANNING

Idaraos sa Nanning, sa Guangxi, China ang 2017 China-ASEAN Mining Cooperation Forum simula sa ika-23 hanggang ika-26 ng Agosto.
Ang tema ng kasalukuyang forum ay “Pagtatatag ng Puwerto ng Impormasyon ng Industriyang Mineral ng Tsina at ASEAN, Pagpapalalim ng Bagong Plataporma ng Kooperasyon ng Belt and Road.”
Tinayang lalahok sa nasabing forum ang may 800 panauhin na kinabibilangan ng halos 100 kinatawan mula sa mga departamento ng industryang mineral, bahay-kalakal at samahang komersyal ng ASEAN. Sa panahon ng forum, lalagdaan ng China Mining Association at ASEAN Mining Association ang kasunduan sa kooperasyon.
Bilang isa sa mga serye ng aktibidad ng China-ASEAN Expo at China-ASEAN Business and Investment Summit, 7 beses nang matagumpay na naidaos ang ganitong forum. (CRI/DZME)

PILIPINAS, NANINIWALANG DAPAT LUTASIN ANG ALITAN SA SOUTH CHINA SEA, BATAY SA DIWA NG PAGKAKABIGIAN SA KALAPIT-BANSA

Miyerkules, Hulyo 12, 2017, unang anibersaryo ng pagpapalabas ng resulta ng umano’y kaso ng arbitrasyon sa South China Sea (SCS) laban sa Tsina na isinumite ng dating pamahalaan ni Benigno Aquino III.

Nang araw ding iyon, ipinahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na dapat lutasin ang alitan sa SCS, batay sa diwa ng pagkakabigian sa kalapit-bansa. Anang pahayag, magpupunyagi ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at itatag ang kapaligirang makakabuti sa kooperasyon at kaunlaran. Binigyang-diin din ng pahayag na gusto ng pamahalaan ng Pilipinas na magkaroon ang iba’t ibang panig ng mas mabisang code of conduct, sa pamamagitan ng talastasan, sa ilalim ng balangkas ng Code of Conduct in the South China Sea.

Kaugnay ng nasabing pahayag, sinabi kahapon ni Geng Shuang, Spokesman ng Chinese Foreign Ministry, na palagian at malinaw ang paninindigan ng panig Tsino sa nabanggit na arbitrasyon. Buong tatag aniyang pinangangalagaan ng Tsina ang teritoryo, soberanya at karapatang pandagat sa South China Sea. Kasabay nito, sa mula’t mula pa’y nagsisikap ang Tsina para mapayapang lutasin ang mga kaukulang alitan, sa pamamagitan ng talastasan at pakikipagsanggunian sa mga bansang may direktang kaugnayan. Dagdag pa niya, nagpupunyagi rin ang Tsina para mapangalagaan, kasama ng mga bansang ASEAN, ang kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan.

Ipinalalagay naman ni Ruan Zongze, Vice Chair ng China Institute of International Studies, na naging positibo sa kabuuan ang naturang pahayag ng panig Pilipino, at makakabuti ito sa pangangasiwa at pagkontrol sa kasalukuyang kalagayan ng South China Sea. (CRI/DZME)

LAST RESPECT KAY PSCO BOARD ATTY. LORETO ATA

NAGBIGAY ng huling pagpugay ang Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO)   sa namayapa nilang board of director na si Atty. Loreto Ata.

Si Ata ay pumanaw sa edad na 66 bunsod ng cardiac arrest noong Biyernes.

Sa panayam, sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan na malaking kawalan sa charity institution at PCSO family si Ata.

Mahigit dalawang taon nang nilalabanan ni Ata ang lung cancer at siya ay naging PCSO board of directors noong September  2016  at naging Chair Ng Risk Management Committee And Members To The Governance Committee And The Nomination & Remuneration/Compensation Committee.

Nagtapos ng political science at may law  degrees sa Far Eastern University noong 1972 at 1976 na valedictorian at magna cum laude si Atty. Ata.

Si Ata ay senior partner ng Medialdea Ata Bello Guevarra & Suarez Law Firm  mula 2007  hanggang siya ay pumanaw.

Ang kanyang labi ay nasa Loyola Memorial Chapels And Crematorium sa Makati City.EC

2020 G20 SUMMIT, GAGANAPIN SA SAUDI ARABIA

Hamburg, Germany–Sa katatapos lamang na Group of 20 (G20) Summit, pinasadahan ni German Chancellor Angela Merkel na ang Saudi Arabia ang magiging punong-abala para sa 2020 G20 Summit. Sa taong 2018 at 2019 naman, idaraos ang G20 Summit sa Argentina at Japan.
Sa pamamagitan ng buong-sikap na pakikipagtulungan sa ibang kasapi ng Summit, kompiyansa naman si Ibrahim Abdulaziz al-Assaf, State Minister ng Saudi Arabia sa kakayahan ng kanyang bansa sa matagumpay na pagtataguyod ng G20 Summit. (CRI/DZME)

MALAYSIA, PLANONG GAWING LOGISTICS HUB NG ASEAN

Kuala Lumpur — Ibinida kamakailan ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na magtutulungan ang Kuala Lumpur International Airport at Port Kelang upang maitayo ang Malaysia bilang primera klaseng logistics hub ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Aniya, ang Port Kelang ay nasa ika-11 puwesto sa daigdig. Sa pamamagitan ng kotse, ito aniya ay 1 oras lamang sa air cargo center ng Kuala Lumpur International Airport.

Ipinahayag ni Liow Tiong Lai na makaraang lumahok ang ALIBABA Group sa digital free trade zone, kinakaharap ng lohistikang Malay ang walang-katulad na pagkakataon. (CRI/DZME)